"LOVE, sira ka talaga, bakit mo ako dinala rito?" Anas ko kay Aki, sabay mahinang tapik sa braso niya. Sinisiguro kong hindi ako makakagawa ng kahit na maliit mang ingay, sa takot na may magising sa mga tao sa buong bahay. Kahit naiinis dito sa pagkauntol ng lakad sana namin ngayong araw, dahil sa istorbong ex nito, ay pinilit ko na lamang na palampasin iyon, at libangin ang sarili ko sa party ng birthday ng kapatid ni Kael. Kaya't gayon na lamang ang gulat ko nang makatanggap ako ng text mula rito kanina na nagsasabing naroon siya sa labas ng bahay nina Kael, at sinusundo ako. "Anong ginagawa mo rito?" Kunot na kunot ang noong tanong ko paglabas ko at makita ko siyang nakasandal sa sasakyan niya at naghihitay sa akin. "Sinusundo ang asawa ko?" Naka-angat pa ang kilay na sagot nito sa

