"LOVE, MEDYO male-late ako ng uwi, ha..." ani Aki sa telepono nang tawagan ako. "Hmm... why?" tanong ko naman habang abala ako sa pag-prepare ng lulutuin ko para mamayang hapunan. Nakaipit lang sa tainga ko ang cellphone habang naglalabas ng mga rekados mula sa refrigerator. Hinuhugasan naman ni Yaya Melba ang mga gulay na inilalabas ko. Ito na rin ang maghihiwa ng mga iyon, para iluluto ko na lang mamaya. Ang gusto nga sana nito ay ito na lang ang gumawa niyon at tabihan ko na lang daw si Baby Maki sa taas para makapahinga. Ngunit hindi ako pumayag. Kaligayahan ko nang ipagluto ang asawa ko para sa hapunan, araw-araw. Sa tabi ng mesa ay ang crib ni Baby Maki na dito niya na inilatag para nakabantay pa rin kami rito habang natutulog. Hindi kami kapwa komportable na iwan ito sa silid ka

