MABILIS NAMING NARATING ANG Saint John's Hospital, kung saan dinala si Mama. Mula roon ay mayroon ding service car na sumundo sa amin. Hindi ko alam kung kaninong service ito, pero nakilala kaagad nito at kinawayan si Aki, paglabas pa lamang namin sa arrival area ng airport. Wala pang alas siyete ng umaga ay nasa elevator na kami ng ospital paakyat sa Presedential Suite kung saan daw naroon ang mama ko, at naka-admit, ayon kay Aki, nang tawagan nito si Papa, pagkababa pa lang namin ng eroplano. Kahit na papaano ay nabawasan ang kaba ko nang malaman ko mula rito na na-stabilized naman na raw ng mga doktor sa ospital na ito ang blood sugar ni Mama. At kasunod nga niyon ay ang pagbaba rin ng blood pressure nito. Mabuti na lamang talaga at may kakilala si Aki sa ospital na ito kaya't nagin

