"HUY!" "Huh?" Napapitlag pa ako nang tumama sa noo ko ang isang pirasong adobong mani na ibinato sa akin ni Kit. Kaagad na nagsalubong ang mga kilay ko at sinamaan ito ng tingin, habang inaalis ko pa ang mga asin-asin na galing sa adobong mani na ibinato nito sa akin. Yes, mani. Iyon lang ang pulutan namin. Hindi ko rin maintindihan 'tong si Kit. May alak sa opisina, pero walang pulutan? Nagpabili lang kami ng pulutan sa sekretarya nito, na ewan ko ba naman at adobong mani lang daw ang nakita. Hindi ko alam kung saan ito nagsuot at iyon lang ang nahanap. Oo nga, at tigang ako sa mani, pero hindi naman sa ganitong klaseng mani. Mas gusto ko iyong sariwa. At may sabaw. Tng ina talaga. Ganito na yata talaga kapag tigang. "Tng ina mo rin, eh, no?" Sikmat ko rito na masama pa rin ang ti

