MABILIS na naisaayos ang lahat ng mga kakailanganin para sa kasal namin ni Aki sa simbahan. Ang gusto kasi ni Aki ay isabay ang petsa ng aming kasal sa simbahan sa petsa ng naging kasal namin sa huwes, five years ago. Dalawang araw na lang, bago ang itinakdang petsa ng aming kasal. At narito kami ngayon sa simbahan para mangumipisal bago kami tumanggap ng banal na sakramento. Nauna na si Aki kanina, at pagkatapos ay ako. Paglabas ko ng confession booth ay tahimik na iginala ko ang mga mata ko sa loob ng simbahan kung saan nakaupo si Aki. Doon ko sana balak na pumuwesto rin ng dasal sa tabi nito. At patawarin ako ng Diyos, dahil katatapos ku lamang mangumpisal, ngunit kaagad na nangunot ang noo ko nang makitang nasa gitnang hanay ito ng mga upuan, katabi at kausap si Anya. Ano na naman

