Chapter 78

2100 Words

"PA?!" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang mapagbuksan ng pintuan ang Papa ko. Hindi ko alam kung kaya pa ba nitong makatayo ng tuwid, kung hindi ito mahigpit na nakakapit sa hamba ng pintuan ng aking silid. Nilagpasan ko ito ng tingin at pasimpleng tumingin sa likuran nito, at baka naroon si Aki, pero wala. Nag-iisa lamang itong mabuway na nakatayo roon. Muli kong ibinalik ang tingin dito. "La-lasing po kayo? Ano po ang ginagawa n'yo diyan? Si A-aki po?" Lakas-loob kong sunud-sunod na tanong. Sumusuray pang nag-angat ito ng tingin sa akin at sinalubong ako ng namumumngay niyang mga mata. "Nandoon... sa tree house." Pati boses nito ay malagihay na rin, at halatang marami ang nainom. "Mahina naman palang iinom 'yang asawa mo, ang lakas ng loob na hamunin ako ng inuman." Umangat pa ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD