KAAGAD na umangat ang tingin ko sa pintuan ng aking silid nang makarinig ako ng ilang mahihinang katok, kasunod ang boses ni Mama, na tinatawag ang pangalan ko. Pagkaalis ni Aki kanina ay sinabihan ako ni Nanay na umakyat sa silid ko at mag-ayos ng sarili, para daw sa pagdating ng mga magulang ng asawa ko. Panay naman ang ismid ni Papa rito, na ginagantihan din ng matatalim na tingin ng ina nito. "Tumigil ka na ng katututol mo diyan, Cristobal. Wala na tayong magagawa... nagdesisyon na ang anak mo. Hayaan mo na panindigan niya ang naging desisyon niya sa buhay." Ani pa ni Nanay dito. Bumuntong-hininga si Papa, at umiling-iling. "Nay, hindi n'yo kasi naiintindihan ang nararamdaman ko. Isipin n'yo naman... si Aki 'yon. Kaibigan at kababata ko. Tapos malalaman ko, inaasawa pala ang kaisa-

