"CRISTOBAL!" Mariing bigkas ulit ni Nanay sa totoong pangalan ni Papa, na lalo lang ikinainis ng huli. Ayaw na ayaw ni Papa na binabanggit ang buong pangalan niya. Ang bantot daw. Hango umano iyon sa pangalan ng kanyang yumaong ama, ayon kay Nanay. "Nay, Kit nga po!" Giit pa ni Papa, na ikinaangat ng sulok ng mga labi ni Aki. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi nang mapansin ang putok sa ibabang labi ni Aki, at ang pamumula sa kanang pisngi nito. At parang nahuhulaan ko na kung sino ang may gawa noon. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng awa sa hitsura nito, kahit pa nga hindi naman nabawasan ang angas sa mukha nito habang nakatingin kay Papa. "Ako ang nanay mo, at ako ang nagbigay ng pangalan sa iyo, kaya ako ang nakakaalam kung ano ang itatawag sa'yo!" Muli namang singhal ni Nanay

