"LOVE..." Kahit nakatalikod, ay kilalang-kilala ko ang may-ari ng braso na nagisnan kong nakapaikot sa katawan ko. Nangunot ang noo ko at mabilis na lumipad ang tingin sa nakapinid na pintuan, upang siguraduhing naka-lock iyon. Ngunit sa dilim, ay imposible ko iyong makita. Tanging ang malamlam na ilaw lamang ng lampshade na nakakabit sa balustre ng kama, sa tapat ko ang nakabukas, kaya't may kadiliman ang ibang parte ng silid, lalo na sa bandang pintuan. Muli kong niyugyog ang brasong nakapulupot sa katawan ko, kasabay ng mahinang pagtawag sa pangalan nito. "Love..." "Hmmm...." Sa pagkakataong iyon ay bahagya itong gumalaw, binigyan ako ng mariing halik sa gilid ng ulo at mas humigpit pa ang pagyapos sa akin. "Sleep, Love, maaga pa." Paungol na sabi nito sa ulo ko. Nangunot ang noo k

