Chapter 53

2004 Words

SINAMAAN ko ng tingin si Aki nang alanganin itong mag-angat ng tingin sa akin, nang minsan pa, ay tumunog ang cellphone niya, at makita ko sa caller id kung sino iyon. Sa loob ng isang oras ay nakaka-limang tawag na yata sa kanya ang babaeng iyon. Kung anu-ano ang pinagtatatanong. Kung anu-ano ang pinaghahahanap. Noong huling gabi namin sa San Ignacio, nang sabihin sa akin ni Aki na sa condo niya balak makipanuluyan ng kababata niya, kuno, ay hindi ako nagpakita ng pagtutol. Kahit na nga ba sukal na sukal sa kalooban ko ang ideyang iyon, ay pumayag ako. Tutal sa mansyon naman na siya umuuwi, noon pang pagkatapos ng kasal namin, wala naman sigurong problema kung patuluyin niya roon sa condo niya ang babae. At ang sabi ni Aki ay isang buwan lang naman. May tinatapos lang daw itong mahala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD