PAGKAGISING ko pa lang ay iba na ang pakiramdam ko. Parang feeling ko, ang bigat-bigat ng katawan ko. Tamad na tamad akong kumilos. Mabuti na lang, at wala akong pasok ngayong araw, kung nagkataon at mayroon, paniguradong hindi ko kakayaning pumasok. Isa pa, feeeling ko, inis na inis ako. Hindi ko nga lang alam kung saan, o kanino. Kanina ngang madaling araw, bago maligo si Aki, para sa pagpasok sa opisina ay dumaan iyon dito sa silid ko upang yakapin at halikan ako, at tabihan saglit ng higa, katulad ng madalas nitong ginagawa pero pilit ko siyang pinaalis, sa labis niyang pagtataka. Kadalasan kasi, kapag ganoon ay yumayakap din ako sa kanya at maiidlip pa ng saglit, bago ito magpapaalam na maliligo na. Kung minsan, kapag medyo maaga pa, nakakahabol pa siya ng isa, o dalawang quickie,

