"MAMAAAA!" Nangunot ang noo ko at nagkatinginan kami ni Kael nang pagpasok pa lamang namin ng pintuan ay marinig na namin ang pagpalahaw ng iyak ni Nickos. May pagmamadaling pareho kaming humangos patungo sa komedor kung saan namin naririnig ang umiiyak na tinig ng anak ko. Pagpasok namin ng komedor ay inabutan namin ito at si Aki na magkaharap sa mesa... kapwa may kaharap na isang plato na naglalaman ng pancakes na niluto ko kaninang umaga, dahil nga sinabi ni Kael na pupunta ito, at dadalhin si Nickos. Kaagad ko itong nilapitan at hinawakan sa mga balikat upang iharap sa akin. "What's wrong baby?" Tanong ko rito habang pinapahid ang luha at pawis sa mukha nito, sanhi ng pag-iyak. Si Kael ay nakatayo sa likod ng inuupuan nito at nakatingin sa amin. May pag-aalala rin sa mga mata nito

