NAKAPAMAYWANG NA IPINAIKOT KO ang tingin ko sa loob ng aming silid, habang iniisip ko pa kung wala na ba talaga akong nakalimutang dalhin. Katatapos ko pa lang bihisan si Baby Maki, na cute na cute sa white polo na binili ng Mamu Victoria niya, para dito. Na nang makita ng asawa ko ay pilit itong nagpahanap ng kapareho daw niyon na kakasya naman sa kanya, para daw pareho sila. Ngayon ang araw ng binyag ni Baby Maki. At kasabay din niyon ay ang pagdiriwang ng kanyang ikalawang buwang kapanganakan. At kahapon pa ako abala para masigurong maayos ang lahat at na walang kahit na anong nakalimutan, o mangyaring aberya. Kahapon pa rin ako sinasaway si Aki dahil nga mayroon naman itong kinuhang coordinator para mag-ayos ng lahat. Ang tangi na lamang daw naming gagawin ay pumunta sa simbahan a

