"HI, BABY MAKI," ani Nickos kay Baby Maki habang nakatunghay dito, na nakahiga sa stroller sa tabi ko. Gising naman ang anak ko at tila nakakaintinding nakatingin lang sa Kuya Nickos niya na panay ang daldal sa tabi nya. Tuwang-tuwa si Nickos nang makita kanina si Baby Maki dahil may makakalaro na raw ito paglaki ng anak ko. Sa reception na dumating ang mag-amang Kael at Nickos, kasama ang yaya ng huli, dahil ayon kay Kael ay tinanghali raw ito ng gising. Katakot-takot na irap ang ibinigay ko rito na nginingisihan lang nito. "I'm your Kuya Nickos, ha..." sige pa rin ang daldal ni Nickos at pagka-usap kay Baby Maki. Kapagkuwan, ay tumingala sa akin. "Mama," "Hmm?" "When Baby Maki grow up, can we play?" Nakangiti naman akong mabilis na tumango. "Of course. He's your baby brother, 'di

