LITERAL na napatalon ako sa gulat nang biglang may matitigas na mga brasong bigla na lamang pumulupot sa baywang ko habang naghuhugas ako ng mga pinaglutuan sa kusina. Birthday ni Papa, at nasa labas lang ang mga ito, kasama ang mga bisita nito, na kapwa mga kaibigan at kababata nila ni Aki. Sina Mama at Nanay ang nagluto ng lahat ng inihanda, kaya ako naman ang natoka sa paghuhugas ng mga ginamit sa pagluluto. Sandali pa akong lumingon sa pintuan ng kusina upang tiyakin na walang tao roon, bago nanlalaki ang mga matang ibinalik ko ang tingin ko sa asawa kong tila walang pakialam na ibinaon pa ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Pabulong na sita ko rito, ngunit isang ungol lang ang isinagot nito. Naramdaman ko ang mainit na paghalik nito sa leeg ko ba

