"LOVE, okay ka lang talaga?" Nangunot ang noo ko sa tanong ng asawa ko na hindi ko na yata mabilang kung ilang beses niya nang ibinato sa akin, mula pa kaninang lumabas kami ng simbahan. Nasa mukha pa nito ang pagdududa, at hitsurang hindi naniniwala sa isinasagot ko. Sa hindi ko na rin mabilang na pagkakataon, ay may maliit na ngiti sa gilid ng aking labi na tumango ako. Ngunit sa pagkakataong ito ay may kasama na iyong pagtataka. Pagkatapos ng Pre-Cana Seminar namin ay nagyaya itong kumain muna ng early lunch, sa isang restaurant malapit sa simbahan, para daw hindi na ako magluto, o mag-isip pa ng maaari naming kainin para sa tanghalian, pag-uwi namin mamaya sa bahay. At habang kumakain nga, ay panay ang tanong nito sa akin, kung okay lang ba ako. Pagkatapos ay hindi naman naniniwal

