"MAMA!" "Hi, baby," halos maluha pa ako nang salubungin ako ng mahigpit, at tila sabik na sabik na yakap ni Nickos, pagbukas ko pa lamang ng pintuan. "I miss you, so much, baby." Lumuhod ako upang maabot nito, at ginantihan ang mainit nitong yakap. Nang bahagya itong lumayo sa akin ay sinapo ko ang mukha nito at pinupog ng halik, sa halos lahat na yata ng parte ng mukha. Kahit panay ang bungisngis, dahil nakikiliti, ay nagpa-ubaya naman ito. Ngayon ko mas naramdaman ang pangungulila ko sa batang ito. Sa loob ng limang taon, ay ako ang tumayong ina ng batang ito. Pagkatapos, sa isang iglap, ay tila nabago ang aming mundo. Biglang hindi na kami pwede sa buhay ng isa't isa. Kung nahihirapan ako na mag-adjust, alam ko na mas lalo ang anak ko. "I miss you, too, Mama." Kahit bata pa ito ay r

