"BAKIT kasi kailangang sa Maynila pa kayo magpasukat ng damit pangkasal? Ang daming magagaling na modista rito sa San Ignaciao, lalayo pa kayo?" Kunot ang noong komento ni Papa nang magpaalam kami ni Aki sa mga ito na luluwas ng Maynila para masukatan ng damit na pangkasal. Ngayon ang araw ng luwas namin ni Aki para sa appointment naman sa mananahi. At bilang dakilang kontrabida sa kaibigan, ang dami na namang tanong ni Papa tungkol sa gagawin naming pagluwas. Na kinikibitan lang ng mga balikat ng asawa ko at hindi naman siniseryoso. Si Doña Victoria kasi ang nagsuhestiyon na iyong tumahi ng gown namin ni Mama noong debut ko ang siya na ring tumahi ng damit pangkasal ko. At iyon na rin ang gagawa ng gagamiting tuxedo ni Aki at ng Papa ko. Noong una, ang gusto pa nga ng Doña ay sa ibang

