PERO OBVIOUSLY, hindi dininig ng Diyos ang panalangin ko. Naghahanda na sana ako ng pagpasok nang tumawag si Marga upang sabihin na puntahan ko ito sa bahay nila. Nangunot ang noo ko. Alam naman nito na may klase ako ng maaga, at hindi ugali ni Marga na abalahin pa ako ng pagsundo sa kanya sa umaga. Kadalasan ay sa school na kami nagkikita kapag lunch break para sabay na kumain. Tinatanong ko naman ito kung bakit, ang sagot lang sa akin ay doon niya na lamang daw sasabihin pagdating ko. Bigla tuloy akong kinabahan. Para kasing napaka-importante ng sadya nito na hindi na nito mahintay pa na magkita kami sa school. Dala ang mga katanungan sa isip ay pinili ko na lang na puntahan ito at saka tanungin. Wala rin naman akong makukuhang sagot kahit pa tanungin ko nang tanungin ang sarili k

