SA HALIP NA BUMALIK sa bahay nina Marga upang kumpirmahin ang aming hinala tungkol sa kanyang pagbubuntis ay sinundo ko ito gamit ang sasakyan ni Aki at tinungo namin ang pad ng huli upang doon gawin ang pagtest sa kanya. Sa tingin namin ay mas makakapag-usap kami ng maayos sa pad ni Aki nang hindi namin iniisip na baka nasa paligid si Ate Diday, o ang kapatid niya. Isa pa, hindi naman ako sigurado kung papayagan ako ulit na maka-akyat sa silid niya katulad kaninang umaga. Naipalam ko na sa kaibigan ko ang balak ko. At wala naman akong narinig na pagtutol mula rito. Nasabi ko na rin dito kaninang tanghali nang magkita kami ang posibilidad ng pagbubuntis ni Marga. At maging ito ay hindi rin alam kung ano ang ipapayo sa akin. Tatlong magkakaibang brand ng pregnancy test kit ang binili ko,

