"DUDE, natanggap mo na ba iyong ipinadala ko?" Bungad na tanong kaagad sa akin ni Pierre, pagkasagot ko pa lang sa tawag nito. Huminga ako ng malalim, at muling ibinalik ang tingin sa hawak kong papel na ipinadala nito sa akin. Nagkalat naman sa ibabaw ng malapad na office table ko ang ilang mga larawan na kinunan nito sa loob ng isang linggong pagsubaybay sa kaibigan ng asawa ko. At tama nga ang sapantaha ko. Doon nga pansamantalang nakikipanuluyan ang asawa ko sa nirerentahang apartment ng mga kaibigan nito. Sa tingin ko ay bihirang-bihira itong lumabas, kaya marahil hindi ko natityempuhan. Sa dami ng mga larawang nasa harapan ko, ay hindi pa lumagpas ng lima ang mga kuha na naroon siya. Dinampot ko ang isa sa mga iyon, at pinakatitigan. Katulad nga ng sinabi ni Nanay Sally, bahagya

