Chapter 21 - BIRTHDAY DATE

1858 Words

"LET'S GO." Kaagad na sabi ko kay Kael, habang mabilis na sinasamsam ang mga gamit ko, matapos kong mabasa ang text sa akin ng ninong ko. Kunot ang noong nakatingin lang ito sa akin at sa pagkukumahog ko. "Ba't ba biglang nagmamadali ka? Sino ba 'yung nagtext?" "Si Ninong Aki. Nasa labas daw siya ng university, hinihintay ako." Sagot ko rito na tumayo na upang labasin si ninong. Mabilis din namang tumayo ang lalaki at umagapay sa mabilis na paglalakad ko. Bakit naman kaya biglang-bigla akong naisipan na sunduin ng ninong ko? "Ihahatid na kita sa labas, Bri--" "Hindi na babe, ha." Pabiro kong putol sa sinasabi nito. Natigilan naman ito at napatitig sa akin, kaya't hindi ko mapigilan ang malakas na pagtawa. "Joke lang." Natatawa pa rin ani ko rito. "In fairness, masarap kang lokohin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD