"HUY!" Napapitlag pa Aria nang pabiro kong untagin, kasabay ng may kalakasang tapik sa mesa, sa harapan nito. Ilang araw ko nang napapansin ang pagiging tahimik nito. Kung minsan pa nga ay sa akin ito nakatulalang nakatingin. Kapag tinatanong ko naman kung bakit, ngingiti lang ito, na halata namang pilit, at saka magpapaka-iling-iling. Saka sasagot na okay lang ito. Sa tagal na panahon namin nang magkasama, ay ngayon ko lang siya nakitang ganito. Madalas kasi ay masiyahin siya at kalog. Iyong tipong walang dull moments, kapag kasama mo siya. Kaya't labis kong pinagtatakhan ngayon ang inaakto niya. Kami lang dalawa ang magkasama ngayon, dahil wala si Kael at magta-try out daw siya sa basketball team ng university. Magaling naman din talaga siya sa larangang iyon, kaya't feeling ko nama

