"INTACT NAMAN PO ang cervix n'yo, Mommy." Nakangiting sabi sa akin ng doktora, matapos nitong kapain, ang sinasabi nitong cervix ko nga raw. "See?" Inilahad pa nito sa harap ko ang isang daliri nito na ipinasok sa akin. "Wala pong dugo, ha. Which, is a good sign." Pati si Aki ay matamang nakatingin sa daliri ni Doktora, na para bang sinisigurado ang sinasabi nito. Pagkatapos niyon, ay sa ultrasound naman ako nito isinalang. Sandali pa akong napapikit nang maramdaman ko ang malamig na gel na inilagay ng doktora sa may bandang puson ko. Mariin, ngunit masuyo namang maagap na pinisil ni Aki ang kamay kong kanina pa nito mahigpit na hawak, nang makita ang ginawi ko. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nilingon ko ito at nginitian. "There you are..." Kapwa kami napatingin ni Aki sa doktora nan

