Chapter118

1428 Words

"TAENA KA, DAKILA, KINIKILABUTAN ako sa mga ngisi mo." Naiiling pang sita ni Papa kay Aki, sa kalagitnaan ng pagkain namin ng pananghalian. Tinawagan pala ni Mama si Papa kanina, habang patungo ito sa palengke, at pilit na pinauwi para sabay-sabay daw kaming kumain ng tanghalian. Sinabi nito na naroon nga kami ni Aki sa bahay nila, at may hatid na magandang balita. Na kahit na anong pilit daw nitong tanong kay Mama, ay ayaw daw sabihin sa kanya. Dahil ang gusto nga raw kasi ni Mama, ay mapauwi siya at nang personal daw na sabihin sa kanya. Kaya't wala nang nagawa si Papa kung hindi ang pagbigyan ang asawa at umuwi na lamang. Bago mananghali, ay nasa bahay na si Papa. Nauna pa nga itong makauwi, kaysa kay Mama, na galing sa palengke. Bagaman kita sa mga mata ni Papa ang tuwa nang marinig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD