DAMANG-DAMA KO ANG pag-iinit ng magkabilang pisngi ko, nang sabihin ko kay Aki ang mga katagang iyon. Mabuti na lang at malamlam na ilaw lang ng lamshade ang nagbibigay ng liwanag sa buong silid, kaya't sa tingin ko naman ay hindi na nito iyon mapapansin. Hindi ko talaga alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob, para sabihin iyon. Pakiramdam ko pa, ay ang landi ng pagkakasabi ko ng bawat kataga. Para maging mas kaakit-akit para dito. Basta ang alam ko, ang gusto ko lang, ay ibalik sa asawa ko ang kaligayahan na naibigay nito sa akin. Nais kong iparamdam dito na nababaliw din ako sa kanya, pagdating sa larangang ito. Kung hindi pa naman masyadong obvious. Sinadya ko naman talagang dagdagan ng extrang lambing ang tinig ko sa pagsasalita. Hindi ko lang inasahan, na halos magkapareho pala

