"GET IN." Mariin akong napalunok sa lamig ng tinig ni Aki nang sabihin ang dalawang katagang iyon. Mula pa kaninang pumasok kami sa elevator ay wala pa kahit na isang salitang namutawi sa mga labi nito. Pasimple ko itong tinitingnan mula sa repleksyon nito sa pinto ng elevator, ngunit deretso lang ang tingin nito at walang kahit na anong mababasang emosyon sa mga mata nito. "L-love--" lumingon ako rito, akmang magpapaliwanag at upang sabihin na isama na lang namin sa pag-uwi ang anak namin. Ngunit napipilan ako, sa unang salita pa lamang, nang salubungin ako ng malamig ding mga mata nito. Umangat lang ang isang kilay nito sa akin at ikiniling patagilid ang ulo. Sa isang tingin pa lang, ay naisip ko na kaagad na walang pag-asang mapahinuhod ko ito, sa pagkakataong ito. Huminga ako ng

