HINDI KO na mabilang kung naka-ilang buntong-hininga na ba ako mula pa kaninang tumawag si Papa at ibalitang nagalit na si Aki dahil sa peke kong paglalayas, at na umalis na ito sa bahay nila ni Mama. Epic fail talaga 'tong plano ni Papa, eh. Sabi ko na nga ba, at hindi ako dapat nakinig dito. Kahit nga si Mama ay tutol noong una. Pero sa kapipilit nitong Papa ko ay wala rin itong nagawa. Budol is real talaga. Next time talaga hindi na ako makikinig dito sa Papa ko sa mga ganitong bagay. Tss. Napatingin ako sa anak ko na mahimbing na natutulog sa couch, sa harapan ko. Nakataas ang dalawang kamay, at mayroon pang maliit na ngiti sa mga labi. Wala itong kamalay-malay sa problemang kinakaharap ng nanay niya sa mga oras na ito. Wala itong kamalay-malay sa kalokohang ginawa ng nanay niy

