Chapter 140

2556 Words

"HALA KAAA, PAPA..." may kasama pang mahinang pag-padyak kong sabi kay Papa matapos nitong ibalita sa akin sa telepono ang naging huli nilang pag-uusap ni Aki. "Epic fail talaga 'tong plano mo. Sabi ko na sa 'yo huwag na lang ganito ang gawin natin, eh." Kagat ang thumb finger na naupo ako sa couch habang hawak ko sa isang kamay ang cellphone na nakatapat sa tainga ko. Sabi ko na nga ba ay hindi magandang ideya ang suggestion ni Papa para sa surprise party ni Aki, eh. Sa una pa lang, tinutulan ko na talaga 'to. Kahit nga si Mama ay hindi sang-ayon dito. Si Papa lang talaga ang makulit. Kaya nga sa bahay pa nila pinatuloy ni Mama si Aki habang wala ako dahil kawawa naman daw ang huli kung walang kasama at walang mag-aasikaso sa bahay namin, habang wala ako. Na ipinagpasalamat ko naman.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD