"LOVE, are you okay?" Untag sa akin ni Aki na ikinapitlag ko pa. Nakahiga ako, patalikod dito, habang nakaunan sa matigas nitong braso. Maliit akong ngumiti rito at tumango. "H-ha? Yeah. Yeah, okay lang ako." Lalo namang nangunot ang noo ng asawa ko sa sagot ko, dahil na rin marahil sa pagka-utal ko. Naniningkit ang mga matang nag-angat ito ng ulo at mataman akong tiningnan. Tila binabasa kung nagsasabi ba ako ng totoo. "Why do I have this feeling, that you're not?" May pagdududa pa rin sa anyong anito. Pinilit kong magpakawala ng isang mahinang tawa at ipinaikot pa ang mga mata ko. "Ano ka ba, okay na nga ako," may kasama pang mahinang tawa na sabi ko. "Napagod lang siguro ako." Tumayo na ako at hinagilap ang mga damit kong hinubad nito sa akin at sinimulang magbihis. " Magbihis ka

