Malapit na itong magbreakthrough sa susunod na boundary at iyon ang nakakatakot na mangyari kung sakali.
Sigurado si Earth Dawn na ang totoong layunin ng nilalang na ito ay makapagbreakthrough sa susunod na realm, walang iba kundi ang Mortal Sea Realm.
Ito ang mataas na cultivation boundary na gustong makamit ng lahat, maging sila ay gustong makatungtong sa ganitong boundary sa hinaharap.
Kapag nakatapak ka sa boundary na ito ng cultivation ay siguradong magkakaroon ka ng karagdagang isang libong taon na lifespan.
Sa isang libong taon na lifespan na ito ay maaari kang maglakbay ng mas mahabang panahon kumpara sa normal na mga martial arts expert na sobrang ikli lamang ang lifespan.
Maaaring maging pagkakataon mo na rin ito upang maglakbay at magbreakthrough sa susunod na cultivation boundary at kung hindi siya nagkakamali ay ang susunod na cultivation realm ay magbibigay sa iyo ng karagdagang sampong libong taon na lifespan.
Ngunit wala pang nakakatapak sa ganoong realm maski sa kanilang tribo. Isa pa ring alamat iyon para sa lahat. Grabe na ang ganoong lifespan kung makakamit ng sinuman.
Sa kasalukuyan ay kailangan nilang iligtas si Little Devil. Hindi niya maatim na mapaslang ito ng wala siyang nagagawa man lang.
Maya-maya pa ay nawala na ang imaheng ipinapakita sa nasabing tubig. Iyon ay dahil nawalan na rin ng bisa ang kakayahan ni Earth Dawn. Limitado lamang ang kakayahan at oras na nagagawa nito.
Tiningnan ni Earth Dawn si Light Prime na nakatingin rin sa kaniya.
"Hintayin na lamang natin ang darating na susundo sa atin. Tiyak akong may paparating na mga nilalang rito." Seryosong saad ni Light Prime na tila siguradong -sigurado ito sa sinasabi.
Napatango na lamang si Earth Dawn kahit na nanlulumo siya ngayon dahil sa frustrations. Kahit puntahan man nila si Little Devil ay siguradong mapapaslang lang naman sila at magiging pataba sa nilalang na iyon.
Inaalala rin nila ang pambihirang nilalang na muntik na silang paslangin. Kapag nakita sila nito ay tiyak na mapapaslang din sila katulad ng iba pa.
...
Sa mismong lugar kung saan naroroon ang Blood Pool.
Nanghihina si Wong Ming at pilit niyang iminumulat ang kaniyang mga mata.
Masasabing ramdam niya pa rin ang kirot sa dibdib niya.
Kahit di man tinatamaan ang mismong puso niya ay napakasakit pa rin ang hatid ng nakabukang sugat niya sa dibdib.
Nanlalabo ang mga maya niya at hindi niya iginalaw ang katawan niya dahil mas lalo siyang masasaktan.
"Gising ka na pala binata. Ano ang ginagawa mo sa islang ito?" Tila nakangising sambit ng nilalang na tila kaedaran niya lamang kung titingnang maigi.
Pero ramdam niyang may mali rito.
"Bakit di mo pa ko pinapaslang?! Ano ang plano mo sakin?!" Seryosong saad ni Wong Ming at tila iniinda ang sakit na nararamdaman niya sa mismong dibdib.
"Atat na atat ka ata binata. Hindi mo ba nagustuhan na binuhay pa kita? Pasalamat ka at may silbi ka pa sa akin!" Tila naging agresibo ang mukha nito sa huling pangungusap na sinasabi nito.
Walang sabi-sabing biglang may matulis na metal na bagay ang palad nito na tila parte ito ng katawan nito.
Dito nahinuha ni Wong Ming na isang evil practitioner ang isang nilalang na ito at nasa Peak Golden Warrior Realm na.
Ito ay base sa obserbasyon niya. Mukhang kakaiba ang isang ito dahil naramdaman niya kaagad ang cultivation level nito.
Nakakapagtaka. Isa din itong indikasyon na masama ang nasabing nilalang dahil wala man lang itong proteksyon sa katawan nito.
O katawan ba talaga nito o hiram lamang?!
Hindi rin tanga si Wong Ming kung bakit gusto nito ang dugong nanggagaling mismo sa puso niya.
Ito ay upang ma-stabilize nito ang sariling cultivation level nito at naghahanda sa pagkakataon nitong magbreakthrough sa susunod na boundary realm.
Nakaramdam ng labis na hapdi si Wong Ming sa mismong dibdib niya kung saan naroroon ang mismong puso niya.
Ramdam niya ang pagbaon at tila paghigop ng mismong dugo niya mula doon.
Brutal at walang tigil ang ginagawa ng nilalang na ito.
Sa loob ng ilang segundo ay makikitang tila naging kulay papel na lamang ang balat ni Wong Ming dahil na rin sa kawalan ng dugong umalpas sa katawan niya.
Bubunutin pa sana ng nilalang na kaharap ni Wong Ming ang tila maliit at matulis na metal na nakabaon sa kaliwang dibdib nito nang hawakan ito ni Wong Ming.
Bahagyang nagulat pa ang nasabing evil practitioner ngunit mas lumawak pa ang pagkakangisi nito.
"Magaling, magaling at hindi ka na nanlaban pa. Tama ang desisyon mo upang lumakas ako. Isang karangalan para sa'yo ang tulungan akong maging malakas pa lalo hahahaha!!!! Malademonyong pahayag ng evil practitioner habang makikitang dinadama nito ang nasabing lakas na natatamo niya.
Ang tila nanghihinang si Wong Ming ay biglang sumilay ang kakaibang ngiti sa mga labi nito.
"Tama ka, ikinararangal kong magtagpo ang landas natin at tulungan kang lumakas. Ang enerhiyang nananalaytay sa dugo ko ang papaslang sa katulad mo hahahaha!!!" Natutuwang wika ni Wong Ming habang humahalakhak pa ito sa huling pangungusap na sinabi nito.
Agad na lumayo ang nasabing nilalang palayo kay Wong Ming ngunit nakaramdam ng ibayong init ang nasabing nilalang.
Umiinit ng umiinit ang katawan nito na animo'y napapaso siya sa hindi niya malamang dahilan.
"Ano'ng ginawa mo sa'kin binata?! Hindi, hindi maaari ito!" Natatakot na wika ng nasabing nilalang habang nararamdaman nito ang tila sumasabog na enerhiyang nananalaytay sa buong katawan nito.
Halatang nagulat ito sa sinasabi ng binata. Pilit nitong binabalik ang nasabing dugong pumasok sa katawan nito patungo sa binata ngunit tila hindi ito umaayon sa gusto niyang gawin.
Sa pagpilit niyang gawin ito ay hindi nito namamalayang pumapasok sa katawan ni Wong Ming ang lahat ng mga nasa katawan nito hanggang sa naging buto't-balat na lamang ito.
BURRRSSSHHHH!
Bigla na lamang lumiyab ang sariling pangangatawan nito dahil sa kawalan ng enerhiya ngunit hindi man lang ito tinantanan ng apoy na galing mismo sa apoy ng Evil Fire Crow.
Isang pambihirang ibon na kailanman ay hindi tinantanan ang katawan niya.
Napangiti na lamang si Wong Ming sa nangyari.
Ngunit maya-maya pa ay nagulat na lamang si Wong Ming nang mapansing bigla na lamang nagkakaroon ng rumaragasang enerhiya sa loob ng dantian niya.
Hindi maipaliwanag ni Wong Ming ang nararamdaman niya. Ngayon lamang ito nangyari sa kaniya.
Dulot ba ito ng pambihirang enerhiyang nakuha niya mula sa napaslang na nilalang na nasa loob ng bronze coffin?!
Grabe ang nararamdaman niyang saya lalo pa't hindi lamang siya napaslang ng tuluyan, mas nagkaroon pa siya ng pagkakataong lumakas.
Agad na umupo sa isang tabi si Wong Ming at makikitang inumpisahan na niyang magcultivate.