Chapter 1.1
Naramdaman na lamang ni Earth Dawn at Light Prime ang pag-alis ng nasabing nilalang sa kanilang kinaroroonan.
Akala talaga ni Earth Dawn ay katapusan na nilang dalawa. Kung sakaling nakita sila ng nilalang na iyon ay siguradong pinaslang at nabawian na sila ng buhay.
Wala silang laban sa isang iyon. Bakas sa kilos at ipinamalas nitong lakas ba papaslang ito ng walang alinlangan sa sinumang makikita nito.
Agad na nilayo ni Earth Dawn ang sarili niya mula kay Light Prime. Hindi niya aakalaing sa ginawang iyon ni Light Prime ay nakaligtas sila mula sa malagim nilang kamatayan.
...
"Sino ka ba?! Hindi ba't isa ka lamang miyembro ng maharlikang pamilya ng Light Family hindi ba?!" Seryosong saad ni Earth Dawn habang iniiwas nitong tumingin sa mga mata ni Light Prime.
Ibang persona ang nakikita niya sa mga oras na ito. Imposibleng magawa ng isang ordinaryong nilalang lamang ang skill na iyon.
Sa dami ng kaalaman niya ay sigurado siyang hindi simple ang background ng isang Light Prime na ito.
Napakalakas ng light skill na iyon. Naramdaman niyang tila naging isa siya sa liwanag. At paano'ng magagawa iyon ng isang kagaya lamang ni Light Prime?! Malilinlang niya ang iba ngunit hindi siya.
"Importante ba iyon?! Iniligtas kita kaya hindi na importante kung ano ang bagay na iyon." Seryosong saad ni Light Prime habang nakatingin sa gawi ng dalaga.
Nag-iwas naman ng tingin si Earth Dawn dahil sa uri ng tingin ng Light Prime na ito. Nakaramdam na siya ng inis.
Nakakahiya ang bagay na iyon. Kiss of Light ang skill na iyon at napag-alaman niyang isang binding skill iyon.
Bakit iyon pa ang naisip ng Light Prime na iyon. Kahit magpahanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ito pang lalaki na ito mawawala ang first kiss niya.
Hindi siya umalis sa lugar nila upang maghanap ng mapapangasawa. Hahanapan niya ng solusyon kung paano mapapawalang-bisa ang skill na iyon ni Light Prime.
"Ang kapal mo. Sabihin mo kung paano mapapawalang-bisa iyon. Sasabihin ko sa'yo na hindi kita gusto!"
Agad na napatayo si Light Prime habang tumalikod na ito sa dalaga. Agad namang napabalik sa reyalidad si Earth Dawn.
Pasalamat siya at hindi niya naisambit ang huling pangungusap na iyon. Nakakahiya pag nagkataon.
"Andiyan ka pa ba? Ano'ng tinutunga-tunga mo diyan. Hindi mo ba tutulungan si Little Devil?!" Seryosong turan ni Light Prime at mukhang aalis na sa lugar na ito.
Dito ay dali-daling tumayo si Earth Dawn at tila nakalimutan niya si Little Devil.
"Sandali! Hindi maaaring umalis na lamang tayo at pumunta doon. Gustuhin man nating tulungan si Little Devil ay siguradong ilalagay lamang natin ang ating sarili sa kapahamakan." Ani ni Earth Dawn na may himig ng pagprotesta lamang sa gagawin ni Light Prime.
Napahinto naman si Light Prime at mukhang nakapag-isip ito ng maayos. Nagtataka siya sa ikinikilos ng dalagang ito lalo pa't masasabing malapit ito kay Little Devil.
Masasabi ni Earth Dawn na nag-iisip din ang isang ito. Alam niyang nagtataka na rin ito sa pinagsasabi niya.
Agad na umupo si Earth Dawn at tumingin kay Light Prime.
"Titingnan ko kung gagana pa ang inilagay kong mga papel doon." Sambit ni Earth Dawn upang hindi na magtaka ang binatang kasama niya sa kasalukuyan.
Ginamit ni Earth Dawn ang lahat ng makakaya niya upang tingnan ang kasalukuyang kalagayan ni Little Devil.
Maraming attempts ang ginawa ni Earth Dawn bago mapansin na tila gumagana na ang mga iniwang papel niya.
Dito ay nakita niya ang nasabing kalagayan ni Little Devil.
Nakasabit ang nasabing binata sa isang sulok habang nakahanap sa isang Blood Altar. Halatang sobrang nanghihina at nahihirapan si Little Devil.
Para bang wala ito sa sariling malay dahil siguro sa labis na pinsalang natamo ng katawan nito habang kitang-kita na nabutas ang nasabing dibdib nito.
Nakita niyang nakalutang sa gilid nito ang isang Bronze coffin na wala ng laman. Hindi makapaniwala si Earth Dawn sa nakikita niya.
Walang dudang ginawa sila nitong iligtas habang wala silang malay habang ang nasabing binata ay napinsala rin.
Ngunit hindi niya sukat aakalaing babalik ito roon.
Agad na nanlaki ang mga mata ni Earth Dawn nang makita niya rin isang buto't-balat na nilalang na nakalutang rin ilang metro mula sa kinaroroonan ni Little Devil.
Sino ang nilalang na ito at parang hindi ito ordinaryo?!
Tick!
Ngunit agad na naputol ang nakikitang imahe ni Earth Dawn sa kaniyang kaisipan.
Alam ni Earth Dawn na indikasyon ito na tuluyan ng nawala ang bisa ng mga papel na iyon.
Mabilis namang ginamit ni Earth Dawn ang earth skill niya upang gumawa ng pabilog na bagay na ikinapagtaka naman ni Light Prime.
Maya-maya pa ay tila napuno ito ng tubig.
Agad na sinugatan ni Earth Dawn ang isa sa mga daliri niya at lumabas ang mumunting dugo niya mula roon.
Psgkapatak ng tatlong butil ng dugo niya roon ay agad na ipinikit nito ang mg mata niya at parang may ginagawa ito dahil nagsasalita ito ng kakaibang lingwahe.
Demon Language!
Maya-maya pa ay nagulat na lamang si Light Prime nang may makitang pamilyar na imahe sa nasabing mga tubig.
Nakita nilang pareho ang imahe ni Little Devil kasama ang isang Bronze coffin sa tabi lamang nito habang may isang buto't-balat na nilalang.
Ano'ng klaseng nilalang na ito. Hindi maganda ang pakiramdam ni Light Prime patungkol sa kaganapang ito.
Hindi siya tanga upang hindi maintindihan ang nangyayari sa kasalukuyan.
Hawak sa leeg ngsyon ng nilalang na iyon ang buhay ni Little Devil.
May nakabaong kadena sa mismong likod ng nilalang na ito at kasabay nito ay umalpas ang mga naghahabaang mga kadena sa likuran nito at bumaon ito sa mga napaslang na katawan ng mga naririto.
Marami din ang mga nakakapangilabot na kaanyuan ng mga demonyong nilalang na tila boluntaryong nagpatusok ng mga kadenang tila sinisipsip ang mga blood essences sa katawan ng mga ito.
Nakaramdam ng hilakbot si Earth Dawn at Light Prime sa kanilang nasasaksihan sa kasalukuyan.
Sino ang nilalang nito at bakit sobrang lakas nito?
Tila nasagot ang mga katanungan nila nang mapansing nagbabago ang kaanyuan ng nilalang na ito.
Ang matanda at tila buto't-balat nitong kaanyuan ay tila nagkakaroon ng reverse effect. Ang mga kumukulubot nitong balat ay tila bumalik sa pagiging bata.
Napansin ni Earth Dawn at Light Prime na tila nasa prime years pa lamang nito ang nasabing appearance ng nilalang na ito.
Tuluyang nagimbal sina Earth Dawn at Light Prime nang mapansin ang kasalukuyang pagbabago sa nasabing nilalang.
Peak Golden Warrior Realm!
Hindi lubos aakalain nila na mayroong nilalang na grabe ang lakas na naririto sa nasabing isla.