Pagkatapos ng pangyayaring naganap sa Alchemy Island ay tila nakarating ito sa pandinig hindi lamang sa mga teritoryong nakapalibot malapit sa Alchemy Island kundi maging sa mga naglalakihang mga siyudad at iba pang mga organisasyon.
Maraming mga nagkainteres patungkol rito at mula sa mga martial art experts na dumalo ay mabibilang lamang sa daliri ang nakauwing ligtas.
Ang mga evil practitioner na nagkaroon ng demon transformation ay dinakip at binilanggo dahil sa kanilang ginawa.
Sina Earth Dawn at Wong Ming ay marmaing nakuhang mga bagay-bagay na ipinangpalit para sa contribution points.
Ang nakuha ni Light Prime na mga pambihirang bagay katulad ng mga rare cultivation herbs at mga rare ores ay ipinampalit niya ito kay Earth Dawn sa pamamagitan ng mga salapi. Ibinenta din ni Earth Dawn ang mga ito para sa contribution points niya nang makabalik sila ng ligtas sa Vermilion City.
Napagdesisyunan ni Earth Dawn na pumunta sila sa tribo nila. Masyado na kasing mahaba ang nagugol niyang oras dito sa lugar na ito. Kahit na may ipinapadala siyang mga sulat sa pamilya niyang miyembro ng nasabing tribo ay mas mainam na bumisita siya roon bago sila maglakbay sa iba't-ibang lugar sa mundong ito.
Pinangarap ni Earth Dawn na maglakbay sa iba't-ibang parte ng mundong ito upang tahakin ang pagiging adventurer. Ayaw niyang manatili lamang sa tribo nila nang hindi pa nadidiskubre ang mga pambihirang mga bagay-bagay sa mundong ito.
Panatag naman ang loob niya dahil kasama niya si Little Devil na balak ding libutin ang buong mundo kasama siya at ng ungas na si Light Prime.
Hindi niya alam ngunit palaging nasa utak ni Little Devil ang lumakas pa lalo. Hindi lang puro sarili nito ang iniisip nito dahil makailang ulit na siyang niligtas nito. Hindi niya kailanman pagdududahan ang kakayahan at kabutihan ng nag-iisang Little Devil.
Sa tribo nila ay hindi maaaring maging adventurer ang mga kababaihan. Nasusunod pa rin ang kanilang tradisyon sa loob ng tribo nila.
Ano pa ang silbi niya sa tribo kung marami naman ang hahalili sa pwesto ng ama niya. Marami siyang kapatid at isa lamang siyang anak ng ama niya sa maraming concubine sa mismong tribo nila.
Napapatanong na lamang siya na bakit palaging ang babae ang itinuturing na mahina. Mayroon naman silang lakas at dapat ay pantay ang pagtrato sa kanilang tribo.
Hindi naman siya kawalan kung tutuusin dahil marami siyang mga kapatid sa ama niya.
Pagkatapos niyang bumisita sa tribo nila ay sisiguraduhin niyang maglalakbay, magpapalakas at babalik sa tribo nila upang patunayan na mali ang mga ito sa pagpigil ng kaniyang mga pangarap sa sariling buhay niya.
Gaano ba kalawak ang mundong kinaroroonan nila? Masaya niyang tutuklasin ang hiwagang ito.
....
Kasalukuyang naglalakbay sina Wong Ming, Earth Dawn at Light Prime sa pamamagitan ng pagsakay sa isang ordinaryong ibong isang maamong flying beast.
Tutungo na sila ngayon sa tribong pinagmulan ng dalaga, ang Hazted City, ilang daang kilometro ang layo nito mula sa Vermilion City.
Napakalayo ng lugar na ito at batid ni Wong Ming na mayroong rason si Earth Dawn kung bakit siya umalis sa tribo nila na tinatawag na Norest Tribe sa bulubunduking parte ng Hazted City.
Hindi aakalain ni Wong Ming na doon nakatira ang nasabing dalaga. Malayo sa kabihasnan at tila mayroon itong mabigat na rason kung bakit niya pinili ang Vermilion Sect.
Kung tama siya ng pagkakaintindi ay mga mula ang mga ninuno ng dalaga sa direct descendants ng mga Water Demon at Earth Demon na kalaunan ay lumaki ang populasyon ng mga ito dahilan upang magkaroon ng malaking tribo.
Nagkaroon ang mga ito ng anak at salinlahi sa mga lahi ng tao. Siguradong madami ang miyembro ng tribong kinabibilangan nito dahil tila napakatagal ng nag-eexist ang tribong ito sa Martial World.
Masasabi niyang nagtagumpay si Earth Dawn na umalis sa tribo nila at nakamit nito ang pagiging outer disciple sa mismong Vermilion Sect.
Mukhang wala na ring rason upang pigilan pa siya ng ka-tribo niya sa gusto niyang mangyari, ang lakbayin ang iba't-ibang mga delikadong lugar sa mundong ito.
...
Ilang oras ang naging paglalakbay nila nang sa wakas ay matanaw nila mismo ang nasabing siyudad na pinagmulan mismo ni Earth Dawn.
Tiningnan ni Wong Ming ang kinaroroonan ni Earth Dawn at napansin niya ang kakaibang emosyong ibinigay ng mga pares ng mata ng dalaga. Halatang mahal niya ang lugar na pinagmulan niya.
Napalingon siya kay Light Prime na kasalukuyan ring nakatingin kay Earth Dawn. May kung anong emosyon ang sumisibol mula rito. Ewan ba niya, guni-guni niya lang ba ito o mayroon talagang gustong ipahiwatig ang mga titig niyang ito sa dalaga.
Magkagayon pa man ay isinawalang-bahala niya na lamang ito. Mas mahalagang magpukos muna siya sa kasalukuyang nangyayari sa buhay nila sa reyalidad.
Makikitang malayo pa lamang ay makikita ang iilang mga taong nasa gilid lamang ng baybayin, halatang inaasahan nito ang pagdating ng dalaga.
Hindi aakalain ni Wong Ming na sinabihan o sinulatan na ng dalaga ang pamilya nila sa tribo.
Kapansin-pansin ang isang matandang babaeng may hawak na tungkod, kitang-kita ang labis na kasiyahan sa mukha nito habang nakatingin sa dalaga. Maging ang ibang mga tila miyembro rin ng tribo nila ay masayang nakatingin kay Earth Dawn.
Tila ba naging makulay at mainit ang pagtanggap nila sa nasabing dalaga na labis namang ikinapagtataka ni Wong Ming. Siguro ay may hindi nililinaw ang dalaga sa sinasabi nito sa kaniya.
Gayon pa man ay ayaw niyang sirain ang sraw ng pagbabalik ni Earth Dawn sa maliit na bagay na ito.
Nang mapatingin siya muli sa gawi ng matandang babae ay tila napansin ni Wong Ming ang tila biglaang pagbabago sa kulay ng mga mata nito habang matiim na nakatingin sa kaniya ang nasabing ale.
Nakaramdam ng kakaibang enerhiya si Wong Ming mula sa nasabing matanda.
Hindi aakalain ni Wong Ming na mayroong malakas na eksperto sa nasabing tribo ni Earth Dawn.
Hindi magawang madiskubre ni Wong Ming ang lebel ng cultivation nito ngunit alam niyang napakalakas ng matandang babae na ito.
Agad na napalingon si Wong Ming sa gawi ni Earth Dawn nang marinig niya ang malakas na pagtawag nito sa kaniya.
Huli na nang mapansin nitong siya na lamang ang hindi nakakababa sa kanila mula sa likod ng maamong flying beast.
Napakamot na lamang si Wong Ming ng kaniyang ulo at mabilis na bumaba sa likod ng nasabing ibon.
Dito niya napansin na marami talagang nagmamahal sa nasabing dalaga. Napakainit ng pagtanggap ng mga ito sa kaniya at lahat ay halos sabay-sabay na nagtatanong sa kaniya.
Napahinto na lamang sa gilid sina Wong Ming at Light Prime na animo'y nahihiya ang mga ito.
Bigla namang nagsitigil ang mga ito nang magsalita ang nasabing ginang.
Nag-uunahang umalis ang mga ka-tribo ni Earth Dawn na animo'y mga maaamong tupa. Siguro ay alam na nila ang ipinapahiwatig ng matandang babae.