“AKALA ko hindi ka pupunta.” Nakita ko si Tatiana na nakaupo sa isang wooden bench sa likod ng ospital. May iilang tao sa malayo pero makakapag-usap pa rin naman kami nang maayos na dalawa. Nilingon ako ng kakambal ko. Her eyes were icy at first but became something else, something I don’t usually see on her. Naupo ako sa tabi niya at hinayaan niya ako. I offered her favorite drink—fruit tea. Tinitigan niya iyon sandali bago tanggapin. “It’s a miracle you still know something about me. Akala ko nilamon na ni Eulalia ang buong isipan mo that your forgot other things.” I smiled but a little strained. Alam ko na may gusto siyang ipahiwatig sa sinabi niyang iyon. I can taste the bitterness in every word she said. “I still know a lot of things about you, Tati.” Bumuntonghininga ako. “I wan

