“EULA…” pagtawag ng isang lalaki sa akin matapos nilang lumapit sa kinaroroonan ko. Muntikan ko na siyang mapatay kahapon dahil noong una ay pakiramdam ko, wala siyang balak na pigilan man lang ako sa ginagawa, ngunit sa huli, gumawa rin siya ng paraan para matigil ako. Wala naman talaga akong amnesia. I can remember everything like crystal clear. Natatandaan ko ang apat na lalaking nasa harapan ko. Hindi ko lang akalain na makikita ko siya kahapon at ngayon. “Hindi Eula ang pangalan niya! She’s Teacher Lia!” sigaw ng mga batang tinuturuan ko. Wala akong degree sa pagiging guro ngunit nang mapunta ako sa lugar na ito at makita ko ang mga batang ito na walang kakayahang makapag-aral dahil sa hirap ng buhay, nagpasiya akong magturo sa kanila kahit paano lamang bumasa at magsulat. Ngum

