“SYEMPRE! Magaling magturo si Teacher Lia, eh! Tapos…tapos ang ganda-ganda pa!” Muling tumawa ang babae dahil sa sinabi ng batang lalaki. Naandito sila sa isang maliit na area ng isang bakanteng lote na nilagyan lamang ng bubong panalag sa mahinang ulan at araw na para bang ginagamit bilang classroom ng mga bata. “Bolero ka talaga, Franco!” natatawang saad ng babae. Nagsimula ulit silang magklase habang ako ay nanatiling nakatulala sa kanya. Isang bata ang nakapansin sa presensya namin kaya itinuro niya kami. “Teacher, may bisita po!” sabi ng batang babae. Agad na tumingin sa direksyon namin si Eula at parang nagimbal ang buong pagkatao ko nang magtama ang mga mata namin. Naramdaman ko muli ang parehong epekto noong unang beses ko siyang nakita. Tinitigan niya lang ako. Gusto kong ma

