TUMAYO ako at pinahid ang dugong nalalasahan sa gilid ng aking labi. Matalim pa rin ang tingin ng aking ama lalo na nang mabawi niya ang sarili mula sa pagkakagulat nang makita ang namumuong likido sa aking mga mata. “I know, what I did was wrong. Lahat ng sinabi ko kay Eula nang gabing iyon, hindi tama. I should have thought a more suitable approach than pushed her away. Alam ko rin na hindi na mababawi ang lahat ng sinabi ko. Nasaktan ko na ang asawa ko at handa akong pagbayaran lahat ng iyon pero all of that can wait. Kailangan ko munang hanapin ang asawa ko. Tatanggapin ko kung galit kayo sa ginawa ko dahil galit din ako sa sarili ko. But I want to deal with that after this, kapag nakita at nasigurado ko nang maayos na si Eula. Magpapahinga lang ako sandali at aalis na ulit para hanap

