HINDI pa rin ako nililiban ng ideyang magkausap sina Claude at Azriel kanina. Traydor ba si Azriel? Pero bakit niya pababagsakin ang kanyang sariling pamilya at makikipagtulungan pa sa isang kagaya ni Claude? Gulung-gulo ang isipan ko na hindi ko na nagawang umalis ng bahay matapos makauwi. Hindi kaya dahil may inggitang nagaganap sa pamilya nila? Maybe Azriel doesn’t want whatever he gets. Hindi siya kontento kaya ngayon, gagawin niya ito para makuha kung ano mang ninanais niya. Hindi ba ganoon sa malalaking pamilya? May kompetisyon? Inisip ko ang parati niyang pagkawala madalas sa mga events ng Benavidez. Ito kaya ang rason? Dahil may inaasikaso siya sa likod ng sarili niyang pamilya. Hindi malayong mangyari. Parte sila ng mafia organization. They are born to be competitive kahit pa

