HINDI agad akong nakasagot at nanatili lang na nakatingin kay Zeke. Hindi ko na alam kung anong ekspresyon ang ipinapakita ko sa kanya, basta ang alam ko ay gulat at kinakabahan ako sa sinabi niya. Oo, normal naman na magsama kami sa iisang kuwarto. Sanay na sanay ako na magkatabi kami noon, pero matapos ang matagal na pagkakahiwalay at idagdag pa itong pagpapanggap ko, hindi ko maintindihan ang nararamdaman. Hinawakan niya ang batok niya na para bang nahihiya. Namumula-mula na ang kutis niya dahil siguro sa alak. Kapansin-pasin iyon kahit na madilim ang kapaligiran. “Sorry, kung hindi ka komportable okay lang din naman. Nagbabaka sakali lang.” Tipid siyang ngumiti sa akin. Uuwi na ako. I just want to make your sure you’re home safe.” Tatalikuran na sana niya ako nang magsalita ako. “

