TAHIMIK na nagdaan ang mga araw. Minsan ay hindi ko nasusundan ang paglipas ng oras. Parating naandito si Zeke sa tabi ko. Marami rin siyang naibabahagi sa mga bata at gustong-gusto siya ng mga ito kaya hinayaan ko na lang. “Hello, kids!” Biglang sumulpot si Gian isang araw. Naandito si Zeke kaya naalarma ako. Agad na tumingin si Zeke kay Gian at ang ngiting suot niya para sa mga bata, biglang naglaho. “Gian, anong ginagawa mo rito?” tanong ko. “May dala akong snacks ng mga bata. Wala akong ginagawa today so I drop off. Naandito pala ang honeybunch sweetie pie mo,” bulong niya. Palihim ko siyang kinurot sa tagiliran dahil sa sinabi niya. Humalakhak lamang naman ito bago mag-distribute ng pagkain. Kakakain lang ng mga bata dahil nagdala rin sina Zeke ng mga pagkain pero hindi ko na pin

