HUMIWALAY si Zeke sa akin sa yakap. Humihikbi pa rin ako pero wala nang bumabagsak na luha. Hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. Nang mapansin niya na may bahid pa ng luha sa aking mata at pisngi, agad niya iyong pinawi gamit ang hinlalaki niya. “Go home, Eula…” Ang akala kong makakausap ko na si Zeke ay hindi pa pala. Nilabas niya lang ako dahil nalaman niya na umiiyak ako at hindi ako aalis pero wala pa rin siyang balak kausapin ako. “Zeke, mag-usap tayo.” Hinawakan ko siya, natatakot na bigla niya na lamang akong iwanan kung hindi ko iyon gagawin. My grip is firm, halatang ayokong siya lumayo sa akin. Tinitigan lang ako ni Zeke pero hindi niya sinabi sa akin ang gusto kong marinig. “I need some time alone. Umuwi ka na, Eula. Uuwi ako bukas. I just need to clear my head

