TANGING pagbanggit lamang sa pangalan ni Zeke ang nagawa ko sa sobrang pagkabigla ko. Naandito na siya! Nakauwi na si Zeke kahit dapat ay ngayong weekend pa siya darating. Napangiti ako nang ma-realize ko iyon pero agad ding nawala ang ngiti ko nang mapansin ko ang malungkot niyang titig nang bumaling sa akin. Mabilis ko lamang iyong nakita dahil agad itong napalitan ng emosyong hindi ko maipaliwanag. Doon lamang ako ibinalik sa kasalukuyan. Naandito kami ngayon sa labas ng restroom at naabutan kami ni Zeke na halos mahalikan ako ni Evan—s**t! Sa anggulo ng kinaroroonan niya kanina, alam ko na ang tingin niya ay naghahalikan kaming dalawa ni Evan! Ang sakit ng ulo at pagkalula ko kanina ay tila nag-evaporate sa hangin. Nahulas ako sa reyalisasyong iyon. Tinangkang bumangon ni Evan mula

