KABANATA 65

3074 Words

IMBIS na pumasok sa loob ng bahay at magmukmok ay pumunta ako sa garahe para sumakay sa isang kotse. Binuksan ko ang unang sasakyang nakita ko at pumasok doon. Agad kong pinaadar ang kotse nang may magbukas ng passenger’s seat at pumasok sa loob. Nilingon ko siya at nakita ko si Miles. “Saan kayo papunta, Ma’am?” tanong niya, ang isang kilay niya ay tumataas na akala mo ay nagtataka sa kung anong binabalak ko. Nawala sa isip ko na maaaring naririto si Miles! Akala ko kasi ay isasama siya ni Zeke sa kung saan man siya papunta. “Pupuntahan ko si Zeke. Tutulong ako sa paghahanap kay Raya!” saad ko sa kanya bago paandarin ang makina ng sasakyan. Naghahalo ang panginginig ng katawan ko at ang pag-iyak. Wala akong oras makipagtalo kay Miles. “Hindi po matutuwa si Sir Zeke kung pupunta kayo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD