HININTAY ko si Zeke na makauwi. Nakaupo pa rin ako sa kama at nang marinig kong bumukas ang pinto ay inihanda ko na ang sarili ko. “Why are you still awake?” Naipikit ko ang aking mga mata nang marinig ko ang boses niya. Nakarinig ako ng ilang ingay, tanda na naglalakad si Zeke sa loob ng kuwarto. Tiningnan ko siya. Pumasok siya sa loob ng walk-in closet at nagpunta ng banyo. Hindi ako sumagot sa tanong niya kanina at mukhang hindi rin naman siya naghihintay ng sagot. Hinintay ko siyang makalabas ng banyo at preskong lumabas na roon si Zeke. Nakita ko na damp ang kanyang buhok at naka-sweatpants. Napansin niya siguro ang paninitig ko sa kanya kaya tumingin siya sa akin sandali bago maglakad papunta muli ng walk-in closet. “Saan ka galing?” mahinahon kong tanong sa kanya. Nang makala

