“BAKIT hindi na lang kompanya namin ang kinuha ninyo para sa expansion project na iyan? I know Gareth will accept it kung marinig niya ang pangalan ko o pangalan mo.” Ibabalik niya na ako ngayon sa opisina. We had our lunch sa hotel at nagpabili na rin ng new set of clothes itong si Zeke. “I forgot! And I didn’t know, okay? Nawala siguro sa isip ko na sabihin ang tungkol sa kompanya ninyo, that you cater that kind of services nga pala. Nalaman ko na lang na may nakuha nang gagawa ng expansion. Isa pa, mukhang marami na kayong kliyente.” Hindi ko ata masyadong napagtuunan ito ng pansin noon dahil iniisip ko iyong hindi namin pagkakaroon ng anak ni Zeke. Wala nang sinabi si Zeke. Siguro nag-iisip ito ng way para mawala sina Evan at sila ang pumalit. “Kung ano man iyang iniisip mo, huwa

