MATAPOS ang birthday ko, panay ang pangarap ko na isang araw, malalaman ko na lamang na buntis na ako. Hindi matanggal ang ngiti sa aking labi sa tuwing iniisip ko iyon. I stretched my neck and my arms, sobrang daming trabaho ngayong linggo na hindi ko na napansin ang pagtakbo ng oras. Pagtingin ko sa orasan sa loob ng aking opisina, ala-siete na pala ng gabi! I groaned. Dapat ganitong mga oras nasa bahay na ako at nagpapahinga. Kaya lang, sa rami ng kinakailangang gawin ngayon, hindi ko mapigilang mag-overtime. Hinilot ko ang aking sentido. Na-stress ako! Gusto ko pa namang iwasan iyon dahil baka makasama sa pagkakagusto kong magkaanak. Sumandal ako sa backrest ng swivel chair ko at nagpahinga sandali. Ipinikit ko ang aking mga mata. Napamulat ako nang maalala kong hindi pala ako nak

