MALUNGKOT akong umuwi sa bahay. Dumiretso agad ako sa kuwarto namin ni Zeke. Pumasok ako sa banyo upang makapaglinis ng katawan ko at makapagpalit na rin ng napkin ko. Sabi nina Tita sa akin, baka raw spotting. I took the PT kit, but it turned out negative. Hindi talaga ako buntis. May kung ano pa ring kurot sa aking puso sa tuwing naalala ko na hindi pa pala ako buntis. Ang sabi naman nina Tita, pwede pa rin naming i-try ni Zeke. May mga ganoon daw talagang cases. Alam ko na chini-cheer lang nila ako kasi dismayado ako sa nangyari kanina. Bumuntong-hininga ako. Napaupo ako sa kama, mas lalong nawalan ng ganang kumilos. Tulala lang ako roon habang nag-iisip-isip. Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ako lumingon doon. Naandito na si Zeke? Pero maaga pa, ah? Anong oras na ba o bak

