KABANATA 84

2097 Words

LUMAPIT ako sa kanila at ayoko mang hawakan sa ngayon si Zeke ay hinila ko siya papalayo sa mga bata. Hindi iyon pinansin ng mga bata dahil abala sila sa kani-kanila nilang mga gamit na natanggap. “Anong ginagawa mo?” seryoso kong tanong sa kanya nang kami na lang dalawa. Hindi agad nagsalita si Zeke, bagkus ay tinitigan niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Hinawakan niya ang kamay ko at ibinaba iyon sa kamay niya. Nanlaki ang aking mga mata lalo na nang ipagsalikop niya ang aming mga daliri. Agad kong hinaklit ang kamay ko. Marahang tumawa si Zeke sa inasta ko. “Tinuturuan lang kita kung paano ang tamang paghawak sa kamay ko, baka lang nakalimutan mo rin.” I sneered at him. Hindi siya natinag at ngumiti pa sa akin. Kailan pa siya natutong ngumiti nang ganito? Hindi ko maalala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD