HINDI ako nagpasindak sa sinabing iyon ni Zeke. I acted casually ngunit hindi tinanggap ang kanyang pakikpagkamay. Papanindigan ko itong kawalan ko ng alaala. Siguro ay rito ko na rin mapapatunayan kung tama si Tatiana sa mga sinabi niya, na hindi seryoso si Zeke sa pagsasabi niya ng annulment. Hindi ko masabi kung galit ako kay Zeke. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko para sa kanya, actually. I am not really the revenge type, pero tingnan natin kung anong nagbago sa kanya noong mga panahong hindi kami magkasama. As for me, mas naging independent ako dahil simula nang mapadpad ako rito sa San Vicente, wala namang tumulong sa akin kung hindi sarili ko. May mga naging bagong kaibigan ako na nakasama ko pero hindi ako dumidepende sa kanila para sa buhay ko. How about you, Zeke? Ano

