THIRD PERSON's P O V Agad nagpamisa ang pamilya ni Carmen bilang pasasalamat sa naging successful na heart operation ni Clyde. Bumuhos ang mga luha kagabi sa loob ng silid nang sambitin ng Doctor ang magandang balita. Dahil daw kasi sa pagod at gutom na katatapos lamang ng ilang oras na operasyon kaya tila balisa ito na naka dagdag sa nerbyos na nararamdaman ng pamilya nimg pasyente. Hindi kasi nila napigilan maging emotional dahil sa kasiyahan. Ilang sandali lamang habang nag papaliwanag pa ang Doctor ay may kumatok ulit. Iyon pala ay tatlong Nurse habang tulak- tulak ang stretcher na kinahihigaan ni Clyde na mahimbing na natutulog. Maingat naman nilang inilipat ang bata sa hospital bed sa loob ng silid. Agad lumapit si Carmen sa gilid ng higaan at isinuklay agad ang mga daliri sa

